Tumigil ang tugtugan at natapos ang misa ni Pare Agaton.
Humugong ang simbahan sa bulongbulungan at sagadsagaran ng mga tsinelas ng nangagsisilabas. Sagilsilan at pawisan sa
init at antok, ang iba'y kukurap-kurap, ang iba'y naghihikab at ga-kumukurus pa ay nagtutulakan sa pagdukwang sa benditang
nakalagay sa dalawang mangkok na pingas, sa malapit sa pintuan. Sa pagkakagiligilanay may batang umaatungal, matandang nagmumura
at nagbububula ang labi, may dalagang naniniko, kunot ang noo't pairap sa kalapit na binata, na tila baga mauubusan ng tubig
na maruming tila na putikang tirahan ng kitikiti. Gayon ang pag-aagawang maisawsaw ang daliri, malahid man lamang maikurus
sa noo, batok, puson at iba't iba pang sangkap ng katawan. Taas ng mga lalaki ang hawak na salakot o sambalilo kaya, sa takot
na madurog; pigil na magaling ng mga babae aang panyo sa ulo at baka mahulog; may nakukusamot na damit, may napupunit na manipis
na kayo, may nahuhulugan ng tsinelas at nagpupumilit magbalik at nang makuha, nguni't nadadala ng karamihang tulak ng mga
punong bayang lumalabaas na taas ang yantok, tanda ng kanilang kapangyarihan. Ano pa't sa isang hindi nakababatid ng ugali
sa katagalugan, ang dagildilang ito't pag-aagawan sa tubig ay makakatakot at maiisip na nasusunog ang simbahan, kundangan
lamang at may ilang nagpaptirang babaing may loob sa Diyos, na hindi lumalabas kundi nagdarasal ng pasigaw at naghihiyawaan
na tila baga ibig sabihin:
--Ay, tingnan ninyoo at kami'y mga banal. Hindi pa kami busog sa haba ng misa.
Tila baga kung tatanungin ang karamihan kung bakit sila pangagaw sa tubig na yaon at ano ang kagalingan ay marami na
manding makasagot ang lima sa isang daan. Ang siyam na pu at lima'y dumadalaw sapagka't ugali. Salbahe ang lumabas na hindi
nagkurus muna: mag-alkabalero ka na ay huwag ka lamang magkulang sa kaugalian.
Ngunit't kung sasalugsugin ang loob ng lahat ng araw ng linggong yaong, linggoo de Pasyon, at itatanong sa marami kung
ano kaya baga ang ipinagdudumali, kung ang takot na mainis at makuluom sa loob, o ang masarap kayang simoy ng hanging humihihip
sa labas at gumagalaw sa madlang halaman at bulaklak saa patyo, ay marahil ay may ibaa pang masasaabi. Sa mata ng lahat sa
mga tinginan at kindatan pa saa loob ay mababasa ang isang lihim na pag-uusisa:
--Napaano kaya ang dating kura?-- ang tanong na hindi mapigil ng isang matandang manang na ungab at hupyak ang pisngi,
sa isang katabing kapuwa manang.
At nang matakpan ang kanyang pag-uusisa sa loob pa ngg simbahan, ang matandang manang ay ga-kumurus-kurus na at nag-suusmaryosep!
--Hindi man kami sinubuan ng pakinabang… Napaano po kaya?
--Napaano nga po kaya? Nagmisa nga po nang padabog, a! --ang sagot naman ng tinanong na isang manang na mataba na kumukurus-kurus
din naman, bumiling pa, humarap pa sa altar at gayumukod pa nang kaunti.-- Kulang na po lamang ipaghagisan ang mga kandila,
a! Susmaryosep!
--Siguro po'y gutom na!-- ang sabat naman ng isanng napalapit na babaing mahusayy ang bihis.--Tingnan nga po ninyo't
hindi man lamang binendisyonan ang anak ng aking alila… aba! Di sa linggo pong darating ay iuutangg na naman sa
akin ng ibabayad! Ikako'y hari na ngang maallisan ng empakto. Aba! Empaktado po! Marami na pong nababasag! Ako nga'y madali;
ayoko nga po nanng hindi binebendisyonang lahat!
Ganito ang salitaan hanggang makalabas sila sa pintuan. Doon naman nagkakatipon ang mga lalaki sa pag-aabang ng mga dalagang
nagsisilabas. Doon ang pulong-pulungan, doon nagmamasid at napamamasid, ang aglahian, tuksuhan at salitaan bagay sa mga nangyayari.
Datapuwa't nang araw na iyon, ang hantungan ng salitaa'y hindi ang magagandang dalaga, hindi ang panahon at ang init kundi
ang pagmamadali ng kura habang nagmimisa. Bahagya nang napuna ang paglabas ni Marcela, dalagang pangulo sa bayan, anak ni
Kapitang Lucas, na nagbabaras ng mga araw na yaon. Ang Marcelang ito'y bagong kagagaling sa Maynila, sapagka't namatay ang
aling nagpalaki, kapatid ng kanyang ama. Kaya nga luksa ang kanyang damit sapul sa panyong talukbong sa ulo hanggang sa medyas
na balot ng maliit na paang nakikita sa mabini niyang paghakbang. Sa tuwid ng katawan, sa taas ng ulo at sa kilos at lakad
ay napaghahalata ang bukod na kapintasan, ang malaki niyang kapalaluan.
Bagama't marami ang nalibang sa sandaling sumunod sa kanya ng tingin, bagama't natigil na sumandali ang salitaan, nguni't
hindi rin nakalimutan ang tanungan bagay sa kura.
--Napaano kaya si Agaton natin?-- ang tanungan ng lahat.
Si Agaton natin ang tawag na palayaw sa balitang pare.
Hindi man naantay matapus ang kantores a!
--Kung ipagtulakan ang misal…
--Padagis na ang dominus pabiskum…
--Totoong lintik na naman ang ating si Aton; totoong ginagawa na ang asal!
--Baka kaya nagpupurga!
--Ilan pan araw at tayo'y tutuwaran na lamang…
Hindi ko na sasalaysayin ang lahat ng mga kuru-kuro ng mga lalaki at mga agalahiang may kagaspangang labis. Ano nga kaya
ang nangyari sa mabunying pare, na mabining kikilos at iikit na tila aral sa salamin, na magaling magpapadipa-dipa at magkiling
ng ulo kung magmisa? Ano't hinarus-haros ang misa at umungol-ungol lamang gayong kung tura'y datihang magaling aawit at magpapkatal
ng boses kung nag ooremus? Winalang-bahala ang lahat, misa, kantores, pakinabang, oremus at iba pang palabas at nagmamadaling
tila di inuupahan. Nagsisimba pa naman ang bunying si Marcela, ang dalagang sapol nang dumating ay dinadalaw gabi-gabi ng
Kura. Naapaano nga kaya si P. Agaton at di sinubuan ang tanang gutom sa laman ng Diyos, gayong kung tura'y totoo siyang masiyasat
sa pakumpisal at pakinabang?
Samantalang ito ang usapan ng nangatayo sa pintuan, ang mga kaginoohan nagtitipon dahil sa pag-akyat sa kumbento at paghalik
sa kamay ng Kura alinsunod sa kaugalian. Kung gulo ang isip ng taong bayan sa balang kilos ng Kura at walang pinagtatalunan
kundi ang kadahilanan, gulo rin naman ang loob ng mga maginoo, at napagkilalang tunay sapagka't bahagya nang mangakakibo,
lalong lalo na ang Kapitan, ang bunying si Kapitan Lucas na totoong natitigilan. Kaiba mandin sa lahat ang umagang yaon. Ang
masalita at matapang na Kapitan Lucas ay hindi maka-imik. Titikhim-tikhim, patingin-tingin, at tila mandin di makapangahas
lumakad at magpaunang para ng dati. Ang sapantaha ng nakapupuna ay takot siya ngayon at baka may ginawang kasalanan. Balita
nga sa tapang at balitang lalaki si Kapitan Lucas lalong lalo na kung ang kausap ay nasasaklawan at daig, nguni't kapag ang
kaharap ay pare, kastila o alin mang may katungkulan, ay bali na ang leeg, tungo ang malisik na tingin at pabulong-bulong
lamang ang masigawing boses.
Hindi nga makapangahas pumanhik si Kapitan Lucas sa kumbento at baka mabulalas ni P. Agaton. Tunay nga't magaling ang
kanyang panunuyo, walang kilos, walang ngiti, walang tingin ang pare na hindi niya nalilining dala ng pagkaibig maglingkod
at nang makapagkapitang muli. Habang nagmimisa'y inusig ni Kap. Lucas ang sariling isip; sagana siya sa pamisa, magagaling
ang libing, halik siyang palagi sa kamay ng among; kahapon lamang ay kinatuwaan pa siyang kinutusan ng pare at hinaplos sa
batok dahil sa kanyang alay na dalawang kapong samsam sa isang taga-bukid.
Sumaloob sa kanya na baka makararating sa tainga ng pare ang balitang siya'y nakabasa ng librong bawal, diaryo at iba't
iba pang pangahas na isipan, at pinasukan ng takot. Nguni't bakit doon magpapahalata ng galit sa misa? Baka kaya nakapagsumbong
ang kanyang datihang katalo, ang mayamang si Kap. Tibong kapangagaw niya sa pagbabaras? Walang iba kundi ito, kaya nang kanyang
sulyapan ay masaya ang mukha ni Kap. Tibo at tila uumis-umis pa. Pinangulangan nga, humiging sa kanyang tainga ang bulas na
mabagsik, ang sigaw aat mura. Nakinikinita niyang Kapitan na si Kap. Tibo at siya'y wala nang katungkulan; pinagpawisan ng
malamig at tumingin ng mahinuhod sa upuan ng kanyang kaaway.
Malungkot ngang lubha nang matapos ang misa at lumabas siyang parang nananaginip. Nanulak sa pagsasagilsilan, sumawsaw
sa bendita at nagkurus nang wala sa loob, palibhasa'y malayo ang kanyang isipan. Nakaragdag pa ng kanyang takot ang mga usapan
ng tao at ang mga kuru-kuro at akala sa ikinagagalit ng kura.
Para ng isang nadadala ng baha na walang makapitan si Kap. Lucas ay lumingap-lingap at humahanap ng abuloy. Kintal sa
mukha ng lahat ang may libak na tawa, ang ngising masakit sapagka't poot sa kanya ang lahat niyang sakop at sawang-sawa nas
a kanya ang bayan. Samukha lamang ng isang tagasulat tila niya nasiglawan ng awa, sa mukha ni Isagani, nguni't awang walang
kibo, awang walang kabuluhan, paris ng awang nakaguhit sa mukha ng isang larawan.
Upang mailihim ang pangamba at takot, ay nagtapang-tapangan at naggalit-galitan. Nagmasid sa paligid at naalala ang utos
ng kura tungkol sa susunod na linggo de Ramos. Pinagwikaan nga ang mga kabisa at inusig sa kanila ang kawayan at haliging
gamit sa maligay. Tinamaan silang lahat ng lintik at ang ibig nila'y makagalitan ng kura. Palibhasa'y hindi sila ang mananagot.
Ano ang ginagawa ng mga kunulugan at hindi nagpahakot ng kawayan? Itatali ba nila sa langit ang tolda? Ipahahampas niya silang
lahat ng tig-iisang kaban kapag siya'y nakagalitan ng kura sa kagagawan nila…
Iba't iba pa ang sinabi at sa paggagalit-galita'y nang matapos ay tunay na ngang galit. Ang sagot ng mga kabisa'y may
panahon pang labis, sapagka't kung ipapaputol agad an kawayan at haligi'y matatalaksan lamang, siyang ikagagalit ng among
at baka sila'y hagarin ng palo, paris na nga ng Kandelariyang nagdaan.
Sa ngalan ng kura, hindi na nakaimik si Kap. Lucas, lalong lalo na ng mabanggit ang paghahangad ng palo. Nakinikinita
niya sa likod ang kalabog ng garroteng pamalo. Nanglambot at nag-akalang umuwi't magdahilang maysakit, nguni't sumilid sa
loob niyang baka lalong magalit ang pare dahil sa di niya paghalik sa kamay. Maurong-masulong ang kanyang kalooban, kunot
ang noo, ang dalawang daling noong kaloob sa kanya ng Diyos! Nagtatalo ang loob niya sa dalawang takot, sa bulas ng kura na
kaharap ang lahat, at sa galit ng kurang hindi siya papagkapitaning muli.
Siya ngang dating ng isang alila ngparing nagdudumali.
--Dali na po kayo-- ang sabi sa Kapitan--at kayo po ay inaantay. Totoo pong mainit ang ulo ngayon!
--Ha, inaantay ba kami--ang sagot na baliw ni Kap. Lucas, na matulig-tulig--Oy! Dali na kayo-- ang sabi sa mga kabisa--narinig
na ninyo: Tayo raw ang inaantay…
--Aba, kayo ang inaantay namin, ang sagot ng mga kabisa --kanina pa po kaming…
--Kayo ang hindi kukulangin ng sagot…
Dali-daling lumakad sila, tahak ang patyoo at tungo sa kombento. Ang kaugalian ng dati'y pagkamisa, ang mga kaginoohan
ay umaakyat sa kombentong ang daan ay sa sakristiya. Nguni't binago ni P. Agaton ang ugaling ito. Sa kaibigan niyang matanghal
ng lahat ang paggalang sa kanyan ng bayan, ipinag-utos na lalabas muna ng simbahan at doon magdaraan sa patyo, hanay na mahinusay
ang mga kaginoohan.
Lumakad na nga ang mga puno, nangunguna ang Kapitan, sa kaliwa ang tenyente mayor, Tenyenteng Tato, sa kanan ang Juez
de Paz na si Don Segundo. Magalang na nagsisitabi ang mga taong-bayan, pugay ang takip sa ulo ng mga tagabukid na napapatingin,
puno ng takot at kababaan sa gayong mga karangalan. Tinunton nila ang malinis ng lansangang tuloy sa pintuan ng kombento.
Tanim sa magkabilang tabi ang sari-saring halamang pang-aliw sa mata at pang-amoy ng balang nagdaraan . Ang mapupulang bulaklak
ng gumamelang pinatitingkad ng madilim na murang dahon, salitan ng maliit na sampagang naggapang sa lupa, nagkikislapan sa
masayang sikat ng araw. Katabi ng walang kilos na kalachuche na hubad sa dahon at masagana sa bulaklak ay wawagawagayway ang
adelpang taglay ang masamyong amoy; ang dilaw na haluan ng San Francisco, ang dahong mapula ng depaskuwa'y kalugud-lugod kung
malasin sa…
Nguni't ang lahat ng ito'y hindi napupuna ng mga maginoo, sa pagtingin nila sa bintana ng kombentong paroroonan. Bukas
na lahat ang mga dungawan, at tanaw sa daan ang loob na maaliwalas. Sapagka't sa kaibigan ni P. Agatong ipatanghal ang pagpapahalik
niya ng kamay ay pinabubuksan kung araw ng linggo ang lahat ng bintanang lapat na palagi kung alangang araw. Kaya nga't malimit
pang lumapit siya sa bintana at doon umupo habang nagpapahalik, samantalang kunwari'y nagmamasid-masid sa mga dalagang lumalabas
sa simbahan.
Natanawan nila sa malayo ang mahagway na tindig ng pare na palakad-lakad ng matulin, talikod-kamay at tila baga may malaking
ikinagagalit. Pabalik-balik sa loob ng salas at minsan-minsang tumitingin sa daan, at nasisiglawan ang kintab ng taglay na
salamin. Nang makita mandin ang pagdating ng mga maginoo'y tila natigilan, napahinto sa pagpapasiyal at lumapit at dumungaw.
Ga-tumango ng tangong inip, at saka itinuon ang dalawang kamay sa babahan. Nagpugay agad si Kap. Lucas. Nagdudumali ngang
tinulinan ang lakad. Sumikdo-sikdo ang loob at dumalangin sa lahat ng santong pintakasi at nangako pang magpapamisa, huwag
lamang siyang makagalitan.
Nang maakyat sa hagdanan ay sinalubong sila ng isang alilang nagsabi ng marahan.
--Kayo raw po ay magsiuwi na, ang wika ng among.
--At bakit?--ang tanong sa mangha ni Kap. Lucas.
--Galit pong galit… Kanina pa po kayo inaantay. Sabihin ko raw sa inyong siya'y hindi bihasang mag-antay sa
kanino man.
Namutla si Kap. Lucas at kaunti nang himatayin nang ito'y marinig. Nautal at hindi nakasagot kapagkaraka, nagpahid ng
noo, at sumalig sa bunsuran.
--Galit ba…ano ba ang ikinagagalit?
--Ewan po!--ang bulong ng alila.--wala pong makalapit. Inihagis po sa kosinero ang tasa ng tsokolate.
Nagpahid na muli ng noo si Kap. Lucas, at hindi nakaimik.
--Si aleng Anday…nariyan ba? --ang naitanong na marahan.
--Narito po, nguni't nakagalitan pati-- ang sagot ng alila
At idinugtong na marahang-marahan:
--Sinampal po!
Napanganga si Kap. Lucas at nawalan ng ulirat. Sinampal si aleng Anday! Pinutukan man siya sa tabi ng lintik ay hindi
gaanong nagulat paris ng marinig ang gayong balita. Sinampal si aleng Anday, gayong si aleng Anday lamang ang sinusukuan ng
kura.
May tumikhim sa loob.
--Kayo'y umuwi na at baka kayo marinig ng pare ay kayo'y hagarin!--ang idinugtong ng alila.
Hindi na ipinaulit ni Kap. Lucas ang hatol ng alila; nanaog na dali-daling kasunod ang lahat na maginoo sa takot na baka
siya labasin ni P. Agaton na dala ang garrote.
Nang makalabas na ay nag-isip upanding pagsaulan ng loob. Nagpahid uli ng mukha at nang may masabi sa kanyang mga kasama'y
nagwika:
--Napaano kaya si P. Agaton?
--Napaano kaya?--ang sagot ng tenyente mayor.
--Siyanga, napaano kaya!--ang tanong ng Juez de Paz.
At nagtuloy silang lahat sa Tribunal.
Tunay nga't hindi biiru-biro lamang ang galit ni P. Agaton.
Nang makamisa at matapos mangalbot ang lahat na isinoot, nakyat sa kombentong dali-dali umupo at mag-aalmusal, at nang
mapaso ng tsokolate ay inhagis sa kosinero ang tasa.
Si aleng Anday, na bagong kagagaling sa misa, at suot ang magagaling na hiyas ay sinagupa ng mura at sampal na kaunti
nang nagkahulog-hulog. Kaya nga dali-daling nanaog at umuwi sa bahay. Walang makaalam sa buong kombento ng dahilang sukat
ikagalit ng kura. Malamig pa ang ulo noong bago magmisa, umimis pa sa sabing marami ang naipagbiling kandila, at kaya nga
binigyan pa ng isang salapi ang sakristang mayor. Ano ang namalas habang nagmimisa na hindi niya minagaling? Puno ang simbahan
ng tao; ang lalong magagandang dalaga'y nangagluhod na malapit sa altar at si Marcela'y bagaman malayo ay tanaw din ng tanaw
sa malayo, katabi ni aleng Anday sa luhuran. Ang sakristyan mayor ay walng sukat masabi.
Hindi man ugali ni P . Agaton ang daanan nng sumpong na para ng ibang pare. Karaniwa'y mahusay, masaya at matuwain, lalo
na kung marami ang pamisa, magagaling ang libing at nasusunod ang lahat niyang utos. May sampung taon nang kura sa bayan ng
Tulig; dumating na bata pa, dalawampu't walo lamang ang tanda, at sa panahong ito'y nakasundo niyang totoo ang bayan.
Tunay at mainit nang kaunti ang ulo, magaling mamalo kapag nagagalit at may ilang mahirap na ipatapon sa malayo at ipinabilanggo
nang taunan; nguni't ang lahat nang ito'y maliliit na bahid kung matatabi sa mabubuti niyang kaugalian. Siya ang takbuhan
ng tao sa bayan sa anumang kailangan sa kabesera; siya ang sinusuyo ng sinumang ibig magbaras o may usapin kayang ibig na
ipanalo. Siya ang puno, siya ang tanggulan, siya halos ang kalasag ng bayan sa anomang marahas na pita ng ibang pinuno. Tunay
nga't may kalikutan ng kaunti sa babae, laong-lalo na noong kabataang bagong kadarating, nguni't wala namang sukat na masabi
sa kanya ang bayan; ipakasal na mahinusay, pinabahayan at binigyan ng puhunan ang lahat niyang ginalaw, alin nakaya sa ibang
binata na nakasira't hindi nakabuo, at saka ang isa pa'y tumahimik nang lubos sapul ng makakilala si aleng Anday, ngayon na
nga lamang umuwi ang Marcela na galing sa Maynila, ngayon na nga lamang tila nagugulong panibago, malimit ang pagdalaw sa
bahay, ugali't maganda ang dalaga, kaibigan ang ama at wala pa namang sukat na masabing higit sa karaniwan. Tunay ngang dumaraing
ang ibang mahirap at tumatangis sa kamahalan ng libing, binyag at iba pang upa sa simbahan datapuwa't talastas ng marami na
kailan ma'y madaraingin ang mahirap at sa katunayan nga'y ang maya-maya'y busog sa kanilang kura at tila pa mandin nagpapalaluan
ng pagbabayad ng mahal sa kanilang pare.
Mutya nga halos ng bayan ang bunying kura kaya nga't walang alaala ang tanan kundi pag-aralan ang lahat niyang nasa at
pangunahang tuparin ang lahat niyang utos. Agawan ang lahat ng paglilingkod sa kanya, palaluan ng alay at sa katunayan ay
saganang palagi ang kusina't despensa sa kombento; sa kura ang maputi at bagong bigas, sa kura ang matabang manok, ang malalamang
baka, ang baboy at usang nahuli sa bating, ang ibong nabaril , ang malaking isdang nahuli sa dagatan, ang matabang ulang at
ang mga masasarap at mabubuting bunga ng kahoy. Bukod sa mga handog na ito ng mayayaman, na ikinabubuhay ng pare na walang
gasta at ng kanyang mga alila ay sunud-sunod pang dumating ang mga panyong habi, ang mga talaksang kahoy ng tagabukid na walang
sukat maialay, ang lahat na panunuyo ng nagkakailangan , sa napabilanggong ama, sa hinuling kapatid, sa sinamsam na hayop
ng Guwardiya Sibil, sa ipalalakad na kamag-anak sa Kabesera na hindi maalaman ang dahil. Sa lahat nang ito'y isang sulat lamang,
isang pasabi o isang salita kay ang kura'y nakaliligtas ang napiit, nakauuwi ang hinuli, nasasauli ang hayop at napapanatag
ang natitigatig na bahay.
Wala namang sukat masabi ang tao sa kay aleng Anday, subali't puri pa at galang ang kinakamtan niya. Sapagka't sa totoong
mahihigpit na bagay, sa mga nakawan o harangan kaya, si aleng anday ang takbuhan ng mga mahihirap at sa pamamagitan niyang
mabisa'y walang napapahamak, walang natitimba, walang naruruhagi. Kaya nga't ang tingin kay aleng Anday ay parang isang may
pusod na Birhen, maawain at mura-mura pa sa ibang Birheng kahoy na sinasampalatayanan.
Di sukat ngang pagtakhan kung magulo ang Tulig sa naramdamang galit ng kura. Kung biglang mag-itim ang masanting na araw,
matuyo kaya ang masaganang batis at magiaginitan ang mga kabundukan, sino ang di mababalisa at papasukan ng takot? Sa mga
Tulig si P. Agaton ay mistulang araw na maselang, matamis na batis, masamyong amihan, masaganang kabundukan at bukod sa rito'y
ama pa ng kaluluwa.
Hindi man lamang sumagimsim sa loob ng sinumang baka si P. Agaton ay nauulol. Masisira muna ang ulo ng lahat bago ang
isipan ni P. Agaton; susumpungin ang lahat. Kaya nga't sa tribunal, makatapos ang misa'y walang ibang pinagusapan at pinagpulungan
ang mga kaginoohan kundi ang dahilang ikinagalit ng kura. Magtalo man at maghimutukan ay wala silang sukat na matuklasang
dahilan, walang sukat masabi kundi ang ating kura ay galit. Sapagka't nabalitaang nsampal si aleng Anday ay wala mandin silang…
|